picture2

Ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority, umaabot ng halos 59,000 taun-taon ang mga taong namamatay sa bansa ng Asya at Africa dahil sa rabis. Nasa 200-300 dito, ay mula sa Pilipinas.

Kaya naman, nakikiisa ang Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon IV-CALABARZON sa gaganaping WORLD RABIES DAY ngayong darating na Setyembre 28 sa pangunguna ng DA at Global Alliance Rabies Control.

Para sa pagbabakuna at iba pang impormasyon, makipag-ugnayan sa Regional Livestock Program ng Kagawaran sa (02) 928-3919.