DSC_0157
« 1 of 13 »

Rice Program ng CALABARZON, nagsimula nang suriin ang mga sakahan sa Quezon

Anim sa mga sakahan sa lalawigan ng Quezon ang sinimulang bisitahin at suriin sa pangunguna ng mga tauhan ng Rice Program ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon 4-CALABARZON noong Pebrero 6 – 9, 2019.

Ang mga naturang sakahan ay matatagpuan sa Burdeos, Panukulan, Polillo, Alabat, Perez, at Quezon.

Layunin nila na tingnan ang kalagayan ng mga magsasakang nabigyan ng binhi ng palay sa ilalim ng proyektong Farmers’ Production and Exchange of High Quality Inbred Rice Seeds (SEEDEX) para sa tagtuyot at tag-ulan mula 2018 hanggang taong kasalukuyan; alamin ang sitwasyon ng mga itinatag na model farm sa mga nasabing lugar; pakinggan ang mga saloobin ng mga magsasaka patungkol sa mga programa ng Kagawaran; at matiyak ang kondisyon ng mga kagamitang pansakang kanilang natanggap mula sa pamahalaan.

Kabilang sa grupong nagsagawa ng pagsusuri ang agricultural program coordinating officer ng lalawigan, at mga kinatawan ng mga lokal na pamahalaan ng mga nabanggit na lugar, ng Bureau of Plant Industry-National Seed Quality Control Services (BPI-NSQCS), at ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice). • NRB