38641227_1781801745189421_236575951238987776_o
« 1 of 18 »

Isinulat at Mga Larawan, Kuha ni Nataniel Bermudez

Kaugnay ng paghahanap ng natatanging Agricultural and Fishery Council (AFC) secretariat-coordinator sa taong 2018 ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF), ang validating team nito ay nagsagawa ng pakikipanayam kay Redempta dR. Querubin, Provincial AFC Secretariat-Coordinator ng Quezon, bilang isa sa mga napiling pinakamahuhusay sa naturang kategorya, noong Hulyo 31 at Agosto 1, 2018 sa Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ng Quezon, lungsod ng Lucena.

Dito ay sinuri ng grupo ang mga orihinal na kopya ng mga mahahalagang dokumento at katibayan na kasama sa isinumiteng scrapbook ni Querubin, gayundin ang paglalarawan ng mga hindi matatawaran at kapaki-pakinabang na nagawa niya sa loob ng 26 na taon kabilang ang pagiging Supervising Agriculturist sa pamahalaang panlalawigan.

Nagkaroon din ng hiwalay na pakikipanayam ang grupo sa Provincial Agriculturist na si Roberto D. Gajo, PAFC Chairperson Flordeliza S. Maleon, isang kinatawan ng PAFC sectoral committee, isang opisyal o miyembro ng pribadong sektor ng PAFC, isang MAFC chairperson, at isang MAFC secretariat-coordinator.

Si Querubin ay isa sa tatlong napiling pinakamahuhusay na naglalaban-laban para tanghaling natatanging AFC sa bansa. Katunggali niya ang PAFC coordinator ng Camarines Norte at ng Sultan Kudarat.